Marami ang nag yari nung field trip.
Sa ECDC, kumuha kami ng pictures dun. Kami ni Sarah, kami ni Larie,kami nina Hannah. tapos andun din si Lemuel. Wala lang, gusto ko lang banggitin.
Bago pa lang kaming mag-field trip, naghintay kami nang matagal sa NVSU North Gate, kung saan lagi hinihintay yung bus tuwing may field trip. Usapan eh alas onse, eh umaga na wala pa rin yung mga buses. Ah, may masayang 'di masayang nangyari. Inaya ako ni Sukh(uyyy!!!), kahit saan usap daw kami dahil matagal na rin kaming 'di nag-uusap. Yun nga nag-usap kami - tungkol sa love life niya, sa studies, sa grades, sa stars, sa shooting stars, sa stargazing. May binigay siya sa 'kin - yung ilaw ilaw na pahaba, basta yung kay Nikko galing. Tapos naiinis daw siya dahil hindi na raw kami klasmeyts. Tuwa naman ako kasi akala ko 'di na niya ako "mahal" 'yun pala namimiss pala niya ako. Sabi ko sa kanya, klasmeyt naman tayo Seltop Math. Sabi niya iba parin daw yung lagi kaming nagkikita. Basta tuwa ako dahil dun. lungkot naman ako dahil may mga pa-epal - sumulpot na lang bigla, sumingit sa usapan namin ni Sukh, tuloy naiba na yung usapan. Nabalik kami sa mga stars, tinuro ni Jenn kung saan yung Orion's Belt. Ang cute kaya 'di ko nga alam na yun pala yun. Hanggang sa dumating na yung mga bus. Nagkahiwalay na kami. Tapos sa bus, siyempre marami na ang inaantok pinatulog na kami agad. Pero nag-pray muna pala kami. Si Kuya di-ko-alam-ang-pangalan ang nag-lead ng prayer. Ito prayer niya:
Angel of God,
My Guardian dear,
To whom God's Love
Entrusts Me Hear
Ever this day
Be at my side
To light and guide
To rule and guard
Amen.
Akala namin napaka personal ng prayer, katulad ng Sana po tulungan niyo kami sa paglalakbay namin..., yun pala yung 'di namin ine-expect. Naiwan siya sa San Jose nung driver kaya wala siya nung pagpunta namin sa Manila. Kumain kami sa Jollibee West Avenue Branch para sa pang-umagahan. Kaupo ko sina Marienne, Renz, Ma'am Chat, Ma'am Tine, Sir Maui, Gino. Tapos kung anuanong language pa yung sinasalita nila. Tawa nalang kami nang tawa. Hahaha... Kinain pala namin rice, egg, coffee decaf. Di pa nga namin alam kung pano bubutasan yung lalagyan ng coffee eh kaya inalis na lang namin yung takip.
Pagkatapos dun dumiretso kami sa may JellyAce Company (Sugarland at Magnolia). Yung babaeng naglecture dun sa loob ng Jellyace(duh!!!) eh kwan wrong grammage. Di niya alam mag-English. Pinapila kami 6 lines. Tapos sabi niya face daw kami sa left. Tapos umupo daw yung first two lines, second two lines, at third two lines. Di na lang niya sinabi na umupo nalang ang lahat. Tumawa kami nila Ma'am kristine. Tapos sinabi rin niya na nag-proproduce daw ang kompanya nila ng 23thou something kilo ng JellyAce. "Kilo" daw! Kabobohan... Ayun bawal pala kumuha ng pictures sa loob. As if naman na magpapagawa ako ng bahay na may makukulay na prutas bilang design. Nagbigay sila ng tag-iisang dakot ng JellyAce pagkatapos naming makita kung pa'no talaga ginagawa yung JellyAce. Sabi ng iba, reject daw yung ibang pinamigay kasi walang lasa. wala naman akong nalasahang walang lasa, buti na lang! Tapos nagtinda din sila ng iba pa nilang products. Binili ko yung pack para makatipid at saka isang Chokolait. Yun lang tapos lumabas na. Wala akong pictures dun. Bumalik na kami sa bus, tapos may pumanik na nagtitinda. Bumili ako nung tinitinda niyang laruan na hindi ko madescribe basta nakakat'wa. May picture kami nila Myen, Renz, at gino sa bus.
Sa ibang file na lang yung Field Trip(Shang Ri La-Richville1).
Saturday, October 28, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)